AlDub, posibleng mag-concert din

By Mariel Cruz September 27, 2015 - 01:18 PM

Mula sa Instagram/Alden Richards

Nagpahiwatig ang Eat Bulaga host na si Joey De Leon ng posibilidad na magkakaroon ng concert ang sikat na tambalang Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza o mas kilala sa AlDub.

Ito ang naging pahayag ni Joey sa isang panayam habang ikinukuwento ang mga nakakakilig na naging kaganapan sa episode ng ‘kalyeserye’ kahapon, September 26.

Ayon kay Joey, marami pa ang maaaring mangyari sa AlDub love team, sabay banggit nito na hindi pa nagkakaroon ng concert ang dalawa.

Ibinahagi din ni Joey na maaaring magkaroon na ng totoong holding hands sina Alden at Yaya Dub sa mga susunod na kalyeserye episodes.

May posibilidad din aniya na magkaroon ng episode ang Kalyeserye kung saan ay magpapakasal sina Alden at Yaya Dub.

Ngunit giit ng TV host-actor, siya mismo ay walang ideya kung ano ang kahihinatnan ng tambalang ALDUB.

Samantala, umabot naman sa mahigit 25 million tweets ang hashtag ng episode ng kalyeserye kahapon na AlDubEBforLove nang payagan ni Lola Nidora na ginagampanan ni Wally Bayola si Alden na mabisita si Yaya Dub sa kanyang mansyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.