Pagsusulong sa Con-Ass, hindi minamadali ng Kamara

By Kabie Aenlle January 19, 2018 - 04:34 AM

Dumipensa ang ilang mambabatas sa mga kritisismong nagsasabing minamadali nila ang pag-pasa sa House resolution na nagsusulong ng constituent assembly (con-ass) para sa Charter change.

Nanindigan sina Majority Leader Rodolfo Fariñas at House Speaker Pantaleon Alvarez na walang anumang nagaganap na “railroading” sa pag-adopt ng Kamara sa naturang resolusyon.

Mayroon kasing mga progresibong mambabatas na iginigiit na basta-basta at minadali ang pagkaka-adopt nito sa mababang kapulungan.

Ayon kay Fariñas, isa itong produkto ng “democratic and exhaustive debates” hindi lamang sa plenaryo ng Kamara o sa mga pagpupulong na isinagawa ng Committee on Constitutional Amendments, kundi sa maging sa mga isinagawang “nationwide public consultations.”

Ipinunto pa ni Fariñas na Juner 30, 2016 pa lamang ay mayroon nang iba’t ibang mga panukalang inihain para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Ganito rin ang ipinahayag ni Alvarez nang sinabi niyang mahigit isang taon na silang nagsasagawa ng public hearings sa iba’t ibang mga probinsya.

Ani pa Alvarez, madaragdagan pa ang mga public hearings dahil kinakailangan talagang marinig ang pananaw ng lahat upang makagawa ng mas magandang Konstitusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.