Magkapatid na bata, nalunod sa ilog sa Leyte

By Kabie Aenlle January 19, 2018 - 04:25 AM

Patay ang isang 13-anyos na batang lalaki at ang kaniyang nakababatang kapatid na babae matapos silang malunod sa isang ilog sa Palo, Leyte.

Kinilala ang mga nasawing bata na sina John Israel Pedrosa na isang Grade 7 student, at kapatid niyang pitong taong gulang na si Jasmin Ieon.

Ayon sa hepe ng Palo police na si Chief Insp. Joselito Villas, napag-alaman sa kanilang imbestigasyon na naglalaro ng bangkang papel ang batang babae nang madulas ito sa ilog pasado alas-3:30 ng hapon ng Miyerkules sa Sitio Kantuklin, Barangay Tacuranga.

Dahil dito, sinubukan siyang sagipin ng kaniyang kuya ngunit sa kasamaang palad ay pareho silang nalunod.

Mataas ang lebel ng tubig nang mangyari ang insidente dahil na rin sa sunud-sunod na pag-uulan dulot ng tail of a cold front.

Narekober ang kanilang mga bangkay Huwebes na nang umaga, at malayo na mula sa kung saan sila huling nakitang buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.