Bilang ng mga TNVs sa bansa, lilimitahan ng LTFRB
Lilimitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang ng transport network vehicle services (TNVS) sa buong bansa sa 45,700 units.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular 2018-03, itinakda ng LTFRB ang bilang ng TNVS sa 45,000 units sa Metro Manila, 500 units sa Metro Cebu at 200 units sa Pampanga.
Magtatakda naman ng common supply base ang ahensya kung kinakailangan oras na matapos ang pag-aaral ukol dito.
Ang desisyon ng LTFRB sa limitasyon ng TNVS ay bunga ng konsultasyon sa Department of Transportaton.
Ibinatay rin ito sa datos ng Transportation Network Companies (TNCs) gaya ng average daily bookings, at bilang ng part time at full time drivers.
Kasama naman sa 45,700 units na limitasyon ang lahat ng valid na Certificate of Public Convenience (CPCs) para mag-operate ng TNVS at maging ang mga nakabinbing CPC applications.
Magiging epektibo ang memorandum makalipas ang 15 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.