Hinihinalang bomba, sumabog sa Bagong Pag-asa, QC

By Rod Lagusad January 19, 2018 - 01:41 AM

Kuha ni Rod Lagusad

Isang pagsabog ang naganap sa harap mismo ng bahay ng isang lupon sa Bagong Pag-asa, Quezon City.

Agad namang rumesponde ang mga pulisya sa nasabing lugar at nagsagawa na ng post-blast investigation ang Explosive Ordnance Division (EOD), pati na rin ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Tumungo na rin sa pinangyarihan ng pagsabog si Quezon City Police District (QCPD) Director C/Supt. Guillermo Eleazar para alamin ang buong pangyayari.

Ayon kay Leonardo Gabo, lupon sa Bagong Pag-asa, Quezon City wala silang natatanggap na anumang death threat.

Aniya hindi niya matukoy kung sino ang maaring nag-iwan ng pampasabog sa harap ng kanyang bahay.

Nasa tatlo katao naman ang naitalang sugatan kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga nasugatan ang pamangkin ni Gabo na siyam na taong gulang na babae na nasugatan at maging ang kanilang alagang aso.

Kasama din sa nadamay ang isang may-ari ng sasakyan na saktong dumaan sa lugar nang maganap ang pagsabog.

Kuha ni Rod Lagusad

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.