Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Lupon, Davao Oriental noong Martes.
Ayon kay Captain Andrew Linao, tagapagsalita ng Philippine Army 7th Infantry Division, nakasagupa ng 28th Infantry Battalion ang hindi pa natutukoy na bilang ng NPA members sa Sitio Palo Palo sa Barangay Marayag.
Pinaputukan umano ng mga rebelde ang militar na nauwi sa 10 minutong engkwentro.
Tumakas ang NPA habang naiwan ang apat na kasamahan nito.
Narekober sa apat na napatay na komunistang rebelde ang apat na baril at isang improvised explosive device.
Ipinadala ang mga sundalo sa lugar matapos makatanggap ng ulat na nangingikil umano ang komunstang grupo sa mga residente.
Samantala, ayon kay Linao, sumuko ang 59 tagasuporta ng NPA at nagbalik-loob sa pamahalaan.