Supermoon at lunar eclipse, sabay na magaganap

By Jay Dones September 27, 2015 - 12:35 PM

Mula sa inquirer.net/AP

Matutunghayan sa pambihirang pagkakataon ang magkasabay na pag-iral ng tinatawag na ‘supermoon’ at total lunar eclipse sa ilang bahagi ng mundo mula sa Lunes ng hapon hanggang Martes ng umaga.

Ang supermoon ay nagaganap kapag nasa pinakamalapit na punto ang buwan sa mundo.

Samantala, ang total lunar eclipse naman ay nagaganap sa oras na matakpan ng anino ng mundo ang sinag ng araw na tumatama sa buwan.

Ayon sa NASA, tatagal ang full eclipse ng buwan ng mahigit isang oras, depende sa panahon at lugar sa North at South America, Europe, Africa, at Western Asia.

Ang eclipse ay ang hudyat ng pagtatapos ng isang ‘tetrad’ o serye ng apat na total lunar eclipse na nagaganap sa pagitan ng tig-aanim na buwan.

Ang ‘tetrad’ ay nagsimula noong 2014.

Ang susunod na total lunar eclipse ay magaganap sa 2018 na.

Dito sa Pilipinas, bagama’t hindi masasaksihan ang total lunar eclipse, makikita naman ang matingkad na liwanag ng ‘supermooon’.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Ed Lagok, observer ng PAGASA Astronomical Observation Division, sa March 2016, dito naman sa Pilipinas masasaksihan ang isang ‘partial solar eclipse.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.