Dating DBM official na sangkot sa pork barrel scam nagtago na sa U.S

By Rohanissa Abbas January 18, 2018 - 04:39 PM

Tinakasan ni dating Department of Budget and Management Usec. Mario Relampagos ang mga kasong kriminal na kinakaharap niya kaugnay ng umano’y pork barrel scam.

Ayon sa Sandiganbayan, ito ay matapos bigong bumalik sa bansa si Relampagos mula sa kanyang 31 araw na byahe sa United States.

Dahil dito, ikinukunsidera na ng korte na “pugante mula sa hustisya” si Relampagos at agad na ipaaaresto.

Hiniling din ng korte sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang kanyang pasaporte.

Batay sa dalawang resolusyon ng 7th Division ng Sandiganbayan, natanggap ng korte ang manifestation ng abogado ng dating opisyal na nagsasabing hindi na ito babalik sa bansa.

Pinayagan ng anti-graft court na bumiyahe si Relampagos tungong US mula December 2, 2017 hanggang January 1, 2018 para dumalo sa pagpupulong ng The International Consortium on Governmental Financial Management, at para rin bisitahin ang kanyang anak at mga apo.

Noong January 2, tinawagan ni Relampagos ang kanyang abogado na si Godofredo de Guzman at humingi ng paumanhin.

Ayon kay De Guzman, hindi na umano babalik sa bansa ang dating opisyal dahil hindi niya na kayang harapin “psychologically at emotionally” ang mga kasong kinakaharap niya.

Sinabi ni De Guzman na hindi na rin kaya ni Relampagos na maglagak pa ng piyansa at tustusan ang kanyang legal expenses.

Si Relampagos ay nahaaharap sa mahigit 300 kasong may kaugnayan sa pork barrel scam at Malampaya fund case.

TAGS: DBM, malampaya, mario relampagos, pork barrel scam, DBM, malampaya, mario relampagos, pork barrel scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.