90% ng mga gasolinahan magtataas na ng presyo dahil sa Train Law

By Ruel Perez January 18, 2018 - 04:08 PM

Mahigit 90-porsyento umano ng mga gasolinahan sa bansa ang magtaaas na ng presyo sa katapusan ngayon buwan dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.

Ito ang pag-amin na ginawa ng Department of Energy sa isinasagawang pagdinig ngayon araw ng Senate Committee on Energy na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian.

Ayon kay DOE Asec. Leonido Pulido III, hindi nila mapipigilan ang ipapataw na dagdag na presyo sa petrolyo ng mga gasoline stations dahil deregulated ang industriya at walang mekanismo para ito ay kontrolin o pigilan.

Sisikapin naman umano ng DOE na pigilan ang anumang gagawing pag abuso o pagmamalabis sa epekto ng Train Law.

Samantala, tiniyak din ng DOE na sa katapusan ng buwan ay matatapos na nila ang analysis at inventory sa mga old stocks ng mga oil companies.

TAGS: Department of Energy, Gatchalian, train law, Department of Energy, Gatchalian, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.