South Ubian, Tawi-Tawi niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng South Ubian, Tawi-Tawi.

Tumama ang lindol sa 248 kilometers South ng South Ubian alas 9:41 ng umaga ng Huwebes (Jan. 18).

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 3 kilometers.

Hindi naman inaasahan na magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...