Nanatili muna sa Heathrow Airport sa London ang eroplano dahil sa natuklasang surot at naantala ang alis ng mga pasahero dahil hinanapan pa ng kapalit ang eroplano.
Sa statement ng pamunuan ng British Airways sinabing mahalaga sa kanila ang ‘comfort’ ng mga pasahero kaya nang matuklasan ang insidente na anila ay maituturing namang ‘very rare’ ay agad iniutos na huwag munang gamitin ang eroplano at isailalim ito sa treatment.
Magugunitang noong Oktubre 2017, isang pamilya mula Canada ang nagreklamo dahil sa natamo nilang kagat ng surot matapos ang siyam na oras na biyahe mula British Columbia patungong Britain sakay ng eroplano nap ag-aari ng naturang airline.
Noon namang Disyembre, iniulat ng British news portal na Daily Mail na isang lalaki rin ang nagtamo ng kagat ng surot matapos sumakay sa business class ng British Airways flight.