Biyahe ng eroplano ng British Airways naantala dahil sa surot

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2018 - 09:40 AM

Apat na oras na naantala ang biyahe ng isang eroplano ng British Airways patungong Ghana dahil sa nakitang mga surot na gumagapang sa passenger seats.

Nanatili muna sa Heathrow Airport sa London ang eroplano dahil sa natuklasang surot at naantala ang alis ng mga pasahero dahil hinanapan pa ng kapalit ang eroplano.

Sa statement ng pamunuan ng British Airways sinabing mahalaga sa kanila ang ‘comfort’ ng mga pasahero kaya nang matuklasan ang insidente na anila ay maituturing namang ‘very rare’ ay agad iniutos na huwag munang gamitin ang eroplano at isailalim ito sa treatment.

Magugunitang noong Oktubre 2017, isang pamilya mula Canada ang nagreklamo dahil sa natamo nilang kagat ng surot matapos ang siyam na oras na biyahe mula British Columbia patungong Britain sakay ng eroplano nap ag-aari ng naturang airline.

Noon namang Disyembre, iniulat ng British news portal na Daily Mail na isang lalaki rin ang nagtamo ng kagat ng surot matapos sumakay sa business class ng British Airways flight.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bed bugs, British Airways, delayed flights, bed bugs, British Airways, delayed flights

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.