14 na sasakyan na-impound sa “Tanggal Usok Tanggal Bulok” operation ng I-ACT sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas January 18, 2018 - 09:20 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Nasampolan ang aabot sa 48 sasakyan sa isinagawang “Tanggal Usok Tanggal Bulok” operation ng I-ACT sa lungsd ng Maynila Huwebes (January 18) ng umaga.

Ayon sa I-ACT, 48 drivers ang naisyuhan nila ng citation ticket dahil sa iba’t ibang paglabag.

Mayroon namang 14 na sasakyan ang tuluyang pina-impound na kinabibilangan ng mga jeep, motorsiklo at UV express.

Walo din ang nakitaan ng paglabag dahil sa maitim na usok na ibinubuga ng kanilang sasakyan.

Maliban sa pagiging smoke belching ng sasakyan, kabilang sa mga paglabag ang kalbo nang gulong, walang ilaw, bulag ang ilaw, seatbelt na hindi ginagamit at pudpod na ang reserba.

Ayon sa I-ACT, magtutuloy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga bulok nang PUVs at mga nagbubuga ng maitim na usok.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, i-act, ltfrb, mmda, PUV modernization program, Tanggal Bulok, Tanggal Usok, dotr, i-act, ltfrb, mmda, PUV modernization program, Tanggal Bulok, Tanggal Usok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.