Evacuees sa Albay, umabot na sa mahigit 38,000
Papalo na sa mahigit 38,000 ang bilang ng mga residente na inilikas mula sa paanan ng Mayon.
Sa pinakahuling tala ng Albay PNP alas 3:00 ng madaling araw ng Huwebes, January 18, nasa 38,305 na ang kabuuang nasa evacuation centers o katumbas ng 9, 492.
Sakop nito ang 39 na barangay, 3 lungsod at 5 munisipalidad.
Samantala sinabi naman ni Chief Inspector Arthur Gomez, Albay police spokesperson na nakahanda ang kanilang hanay sa anumang sitwasyon na maaring idulot ng pag aalburuto ng Bulkan.
Naka-deploy na rin ang kanilang pwersa sa nga evacuation centers at sa mga choke points sa lugar.
Kabilang sa tinatauhan ng Albay PNP ang mga lugar ng Guinobatan, Camalig, Malilipot, Ligao, Tabaco, Daraga at Legazpi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.