Dahil sa repair sa runway sa Tacloban City Airport, 14 na flights ang kanselado
Kanselado ang mga biyahe ng Cebu Pacific at CebGo mula at patungo ng Tacloban City ngayong araw ng Huwebes, January 18, 2018.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na repair sa runway ng Daniel Z. Romnualdez Airport.
Kabilang sa mga kinansela ang walong flights ng Cebu Pacific, anim na flights ng CebGo at apat na flights ng PAL.
Narito ang listahan ng mga kanseladong biyahe:
CEBU PACIFIC: (Manila-Tacloban)
Flight ETD ETA
5J 651 425am 545am
5J 649 615am 735am
5J 659 1100am 1235pm
5J 653 335pm 510pm
CEBU PACIFIC: (Tacloban-Manila)
Flight ETD ETA
5J 652 615am 735am
5J 650 805am 925am
5J 660 125pm 300pm
5J 654 540pm 710pm
CEBGO: (Cebu-Tacloban)
Flight ETD ETA
DG 6571 500am 555am
DG 6573 130pm 225pm
DG 6577 655pm 750pm
CEBGO: (Tacloban-Cebu)
Flight ETD ETA
DG 6572 615am 710am
DG 6574 245pm 335pm
DG 6578 810pm 855pm
Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific inabisuhan nila ang lahat ng pasahero ng nasabing flights para sa opsyon na maari nilang pagpilian dahil sa kanselasyon.
Kabilang dito ang pagre-route sa pinakamalapit na paliparan, pagrebook ng kanilang travel date sa loob ng 30-araw, full refund, o paglagay ng halaga ng ibinayad nila sa ticket sa travel fund para magamit sa susunod na panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.