43 Taiwanese, ipade-deport

Inquirer file photo

Nakatakdang ipa-deport ang 43 Taiwanese na inaresto dahil sa online fraud operations sa Cebu city.

Ayon kay Police Supt. Rex Derilo ng PNP Regional Intelligence Division sa Region 7, wala nang kahaharaping kasong kriminal dito sa bansa ang mga nasabing dayuhan at sa halip, sa Taiwan na ang mga ito lilitisin.

Sinabi ni Derilo na inatras na nila ang inihaing kaso laban sa mga nasabing Taiwanese dahil hindi ang mga ito maiipapatapon sa kanilang bansa kung may nakabinbing kaso sa korte dito sa Pilipinas.

Sa ngayon nasa Philippine Immigration Academy na sa Clark, Pampanga ang mga dayuhan at nakatakdang ideport sa araw ng Martes.

Ang mga nasabing dayuhan ay bahagi ng 69 na foreign nationals na inaresto sa isinagawang pagsalakay sa ilang mga subdibisyon sa Cebu City noong September 8 ng kasalukuyang taon.

 

 

Read more...