50 bahay, nasunog sa Old Balara, Quezon City

By Rod Lagusad January 18, 2018 - 07:05 AM

Kuha ni Rod Lagusad

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa kabahaan ng Commonwealth Ave. sa South Suzuaregui. Brgy. Old Balara QC.

Umabot ng ikatlong alarma ang naturang sunog sa lugar.

Ayon kay Fire Marshall Supt. Manuel Manuel ay nasa 50 bahay ang nasunog at aabot sa 150 na mga pamilya ang naapektuhan.

Sa paunang imbestigasyon nagmula aniya ang sunog sa bahay ng isang Alfredo Montemayor.

Ayon naman kay Brgy. Captain Alan Fransa, mga informal settlers ang mga naapektuhan at pawang gawa sa light materials ang mga bahay nito.

Karamihan sa mga biktima ay walang mga naisalbang gamit.

Ayon sa mga naapektuhang residente, hindi na nilang na gawang makapagsalba dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Nanawagan naman si Neneng isang residente ng tulong para sa kanilang mga nasunugan ng bahay.

Sa ngayon ay hindi pa alam ng mga residente kung saan sila ngayon tutuloy matapos masunugan.

Kaugnay nito, wala namang nasaktan dahil sunog maliban na lang sa isang nagka-high blood at nahirapang huminga.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang naging sanhi ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, old balara, quezon city, fire incident, old balara, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.