Romania, magkakaroon ng kauna-unahang babaeng Prime Minister
Matapos ang pagbibitiw sa pwesto ni Romania Prime Minister Mihai Tudose ay magkakaroon na ng hahalili sa kanyang posisyon.
Isinulong na pumalit sa pwesto si Viorica Dancila, na siyang magiging kauna-unahang babaeng Prime Minister ng bansa.
Miyembro si Dancila ng European Parliament na kilala bilang kakampi ng kasalukuyang namamahalang si Social Democratic Party (PSD) leader Liviu Dragnea.
Iminungkahi ni President Klaus Iohannis na maaprubahan agad ng parliament ang pagkakatalaga ni Dancila bilang PM at magsimulang manungkulan sa February 1.
Si Dancila ay ang ikatlong prime minister ng Romania sa loob lamang ng pitong buwan.
Nagsimulang manungkulan sa European Parliament si Dancila noong 2009.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.