Ito ay ibinahagi mismo ni Chief Peace Negotiator ng gobyerno at Labor Sec. Silvestre Bello III na isa sa nagpa-plano ng nasabing pag-uusap.
Ayon kay Bello, isinasaayos pa nila ito at umaasa silang makapag-usap ang pangulo at si Sison kung hindi man sa personal, ay kahit sa telepono man lamang.
Gayunman, hindi aniya ito dapat ituring na isang “precondition” sa panunumbalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP.
Samantala, sakali man na makapag-arrange sila ng personal at harapang pagkikita ng dalawa, maari itong ganapin sa China dahil hindi naman maaring bumalik si Sison sa Pilipinas mula nang siya ay ma-exile sa Netherlands.
Una nang nagpahiwatig si Sison na bukas siya sa pakikipag-usap kay Duterte kaugnay ng sitwasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebelde.