Konsehal sa CDO, suspendido dahil sa pananampal ng traffic enforcer

By Kabie Aenlle January 18, 2018 - 03:48 AM

Ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagsuspinde sa isang konsehal ng Cagayan de Oro City dahil sa pananampal ng isang traffic enforcer.

Ayon sa tanggapan, anim na buwang suspendido nang walang bayad si Councilor Zaldy Ocon dahil sa pagiging guilty sa conduct prejudicial to the best interest of the service.

Maliban dito, maari pa siyang maharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Article 359 ng Revised Penal Code o Slander by Deed.

Ayon sa traffic enforcer na si Ric Emmanuel Agustin, binigyan niya ng traffic violation ticket si Ocon noong November 30, 2016 dahil sa pagparada sa no parking zone, pero itinapon lang ito ng konsehal kaya nagka-initan ang dalawa.

Nagharap muli sina Ocon at Agustin sa opisina ng Roads and Traffic Administration kung saan pareho silang ipinatawag, at doon na nangyari ang pananampal ni Ocon kay Agustin.

Nasaksihan ito ng overseer ng RTA na si Jose Uy, kaya mas lalo pang napatunayan ang ginawa ni Ocon na ayon sa Ombudsman ay nakasira sa imahe niya bilang konsehal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.