150 pamilya, nasunugan sa Taguig

By Rod Lagusad January 18, 2018 - 03:41 AM

Photo courtesy of Stephanie Feliciano

Tinatayang nasa 150 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos matapos masunog ang residential area sa tabi ng C5 Road sa lungsod ng Taguig.

Nasa limang katao ang naitalang nasugatan na kinabibilangan ng isang Florenda dela Peña at apat na batang may edad apat hanggang siyam na taong gulang.

Dinala ang sugatan sa sa Taguig Pateros District Hospital para sa atensiyong medikal.

Ayon sa MMDA ay kaagad nadeploy ang mga bumbero at mga traffic enforcers sa lugar.

Unang naiulat ang naturang sunog bandang 5:43 pm na sinundan ng unang alarma.

Umabot sa fifth alarm ang naturang sunog bandang 6:16 pm bago idineklarang fire out bandang 7:36 pm.

Sa kasalukuyan, patuloy pang inimbestigahan ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsalang idinulot nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.