Ayon kay Mercado, nagdesisyon na niyang basagin ang kaniyang katahimikan upang linawin na walang kinalaman si Go sa maanomalyang pagbili ng warcrafts para sa Philippine Navy.
Paliwanag ni Mercado, noong siya pa ang First Officer in Command, nakatitiyak siyang sa ilang beses nilang pagkikita ni Go, kailanman ay hindi ito nagtanong sa kaniya tungkol sa pagbili ng mga barko.
Matatandaang nasibak sa kaniyang pwesto si Mercado matapos siyang akusahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na pumapabor sa isang European contractor para maging supplier ng combat management system para sa dalawang bagong barko ng kagawaran mula sa South Korea.
Ayon kay Lorenzana, nagdulot ng malawakang demoralization sa Navy ang ginawang pagpigil ni Mercado sa pagbili ng barko.