Mungkahing cash voucher sa mga minimum wage earners, suportado ng DOLE

Suportado ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang panukala ng isang labor group na bigyan ng subisdy na P500 cash voucher sa lahat ng minimum wage earners dahil sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa reporma sa buwis.

Maiging ikinukunsidera ni Bello ang mga panukala sa ilalim ng Labor Empowerment and Assistance Program (LEAP) na binuo ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines.

Sa ilalim g LEAP, bibigyan ng emergency financial subsidy na P500 kada buwan ang bawat minimum wage earner sa pamamagitan ng cash voucher.

Ipinanukala rin sa LEAP na maaariing tukuyin at beripikahin ang magiging benepisyaryo nito sa pamamagitan ng Social Security System o Department of Labor and Employment.

Ayo sa ALU-TUCP, pinakamaapektuhan ang minimum wage earners sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). Para maiwasang mahulog sa poverty line, iminungkahi ng grupo ang naturang subsidy.

Gayunman, nilinaw ni Bello na kinakailangan pang aprubahan ng Department of Budget ang Management.

Read more...