PHIVOLCS: Posibleng pagsabog ng Mayon, hindi magiging kasing-lakas ng 1991 explosion

By Rohanisa Abbas January 18, 2018 - 12:17 AM

Tiniyak ng Philippine Instute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi magiging kasing-delikado ang posibleng pagsabog ng Bulkang Mayon kung ikukumpara sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.

Ayon kay PHIVOLCS officer-in-charge Dr. Renato Solidum, Jr., less acidic ang magma na ibinubuga ng Mayon.

Paliwanag niya, napakarahas ng magma ng Pinatubo dahil naiipon ang gas sa bulkan kaya sumambulat ito nang sumabog.

Sa kaso naman ng Mayon, nakakapaglabas ng gas ang bulkan kaya hindi ito naiipon.

Nanatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.