Bulkang Mayon nakapagtala ng 2 lava collapse ngayong araw

By Mark Makalalad January 17, 2018 - 10:34 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Kung ikukumpara sa mga nakaraang araw, bahagyang naging tahimik ang ipinakitang aktibidad ng Bulkang Mayon.

Mula kasi sa 143 lava collapse nitong Martes, ay nakapagtala lamang ito ng 2 lava collapse ngayong araw.

Unang nagkaroon ng lava collapse ang Mayon alas-6 ng umaga na sinundan pa ng isa pang lava collapse ng 11:08 ng umaga.

Pero hindi ibig sabihin na bumaba ang lava collapse ng Mayon ay nanganaghulugan na hindi na ito puputok.

Ayon kay Ed Laguerta, resident volcanologist ng PHIVOLCS Albay, likas sa isang bulkan na maging unpredictable.

Mahirap raw kasi hulaan ang magiging aktibidad nito dahil anumang oras ay maari na naman itong mag alburuto.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa alert level 3 ang status ng bulkan.

TAGS: Bulkang Mayon, Bulkang Mayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.