2 bagong commissioners ng PCUP, itinalaga ni Pangulong Duterte
May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong dalawang commissioners ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Ito ay matapos sibakin ng pangulo si PCUP Chairperson Terry Ridon at apat pang commissioners dahil sa junket o madalas na pagbiyahe abroad.
Itinalaga ng pangulo si Randy Hamili Halasan kapalit ni PCUP Commissioner Manuel Serra Jr.
Itinalaga rin ng pangulo si Norman Brillantes Baloro na kapalit ni PCUP Commissioner Joan Lagunda.
Parehong may petsa na January 16, 2017 ang appointment papers ng dalawang bagong PCUP commissioners.
Una rito, inalok na ni Pangulong Duterte si CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida na pamunuan ang PCUP pero tinanggihan niya ito.
Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Bernie Ferrer Cruz bilang undersecretary ng Department of Agrarian Reform at Rachel Anne Sibugan Herrera bilang bagong commissioner ng Climate Change Commission.
Itinalaga rin ng pangulo sina Ireno Bacolod at Josefino Cataluna bilang bagong mga undersecretary ng Office of the President.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.