Kinuhang IT consultant ni CJ Sereno sumasahod ng mas malaki sa kanya

INQUIRER File

Nabunyag ngayon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Justice Committee na mas mataas pa ang sahod ng kinuhang IT consultant ng tanggapan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa mga mahistrado ng Korte Suprema at court administrator.

Kinumpirma ng mga opisyal ng SC na sumasahod ng P250,000 kada buwan ang IT consultant na si Helen Macasaet.

Mas mataas pa ito sa suweldo ni Sereno na P233,000 at sa iba pang associate justices ng SC at kay court administrator Midas Marquez.

Lumabas din sa pagdinig na si Macasaet ay natanggap nang hindi dumaan sa tamang proseso ng pag-hire ng empleyado sa Korte Suprema.

Nabatid na sa utos ng tanggapan ni CJ Sereno ay pinadaan sa alternative mode ng pagkuha ng empleyado si Macasaet dahil sa technical position ito.

Read more...