Mag-asawang lider ng NDF, pinaaresto na
Naglabas na ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa mag-asawang lider ng komunistang grupong National Democratic Front (NDF) na sina Benito at Wilma Tiamzon.
Inilabas ito ni Judge Thelma Bunyi Medina ng Branch 32 noong January 11, 2018 matapos na aprubahan ang motion for re-commitment at kanselasyong P100,000 bailbond ng dalawa na inihain ng Department of Justice (DOJ).
Matatandaang pansamantalang pinalaya ang mag-asawa noong 2016 matapos na pahintulutan ito ng korte na mag piyansa para magsilbing peace consultant ng CPP-NPA-NDF sa binuksan na usapang pangkapayapaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naghain naman ng mosyon ang DOJ sa korte para muling arestuhin ang mag-asawang Tiamzon matapos na kanselahin ni Pangulong Duterte ang peace talks sa pamamagitan ng Proclamation No. 360.
Bukod sa dalawa, ipinag-utos rin ng korte ang pag-aresto kay Adelberto Silva na kasama ng mga Tiamzon at nahaharap sa 15 kaso ng murder dahil na natuklasang mass grave sa Leyte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.