Toyota Land Cruiser na binili ni CJ Sereno lumabag sa Procurement Law

By Erwin Aguilon January 17, 2018 - 04:24 PM

INQUIRER File

Aminado ang pinuno ng Procurement and Assistant Chief Admin Services ng Supreme Court na si Atty. Ma. Carina Cunanan bago pa lamang ang bidding para sa pagbili ng sasakyan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay Toyota Land Cruiser na ang gusto nito.

Sinabi ni Cunanan sa pagtatanong ni ABS Representative Eugene Rivera na predetermined na ang biniling P5.2M na sasakyan dahil ito ang request ni Sereno.

Sa ginanap na bidding para sa bibilhing sasakyan na gagamitin ng punong mahistrado ang Toyota rin lamang ang dumalo.

Ang mga request anya ay verbal lamang na ipinaabot sa kanya ng isang Atty. Mike mula sa tanggapan ni Sereno.

Sinabi rin ni Cunanan na bago ang pagbili ng Land Cruiser ay Suburban na sasakyan ang gusto ng punong mahistrado pero hindi ito nabili sapagkat lagpas ang presyo nito sa inilaang pondo.

Iginiit naman nina De Vera at House Majority Leader Rodolfo Fariñas na malinaw itong paglabag sa procurement law dahil sa ilalim ng procurement law bawal ilagay ang brand ng bibilhing gamit dahil ang pinapayagan lamang ay isaad ang specifications.

TAGS: chief justice maria lourdes sereno, chief justice maria lourdes sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.