Overseas Filipino Bank ilulunsad bukas

By Rohanisa Abbas January 17, 2018 - 04:07 PM

INQUIRER File

Ilulunsad ng Department of Finanance (DOF) ang Overseas Filipino Bank (OFB) bukas, January 18.

Ito ay makaraang aprubahan ng Philippine Competition Commission noong nakaraang linggo ang acquisition ng Land Bank of the Philippines sa Philippine Postal Savings Bank (PPSB). Una nang inaprubahan ng Monetary Board ang acquisition noong Disyembre. Dahil dito, gagawing PFB ang PPSB para sa overseas Filipino workers (OFWs). Paliwanag ni Finanace Secretary Carlos Dominguez III, nangangahulugan ito ng pagsasama ng administrasyon ng bangko. Ang OFB ay alinsunod sa ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtatayo ng bangko para sa OFWs. Gayunman, maliban dito, sinabi ni Dominguez na maililigtas din sa bankruptcy ang PPSB. Noong Oktubre, nilagdaan ni Duterte ang Executive Order No. 44 ang acquisition ng Land Bank sa PPSB, kung saan 30% nito ay magiging pag-aari ng OFWs.

TAGS: Department of Finance, Overseas Filipino Bank (OFB), Department of Finance, Overseas Filipino Bank (OFB)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.