Signal Number 1, itinaas sa Batanes dahil sa bagyong ‘Jenny’

www.pagasa.dost.gov.ph

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa Batanes island.

Ayon sa PAGASA, lalo pang lumakas ang bagyong ‘Jenny’.

Nabatid na nasa 645 kilometers east-northeast ng Itbayat, Batanes ang bagyo.

Taglay ng bagyong ‘Jenny’ ang hangin na 160 kilometers per hour at pagbugso ng 195 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour west northwest.

Pinapayuhan ang mga mangingisda na iwasan na munang pumalaot dahil sa malalakas na alon sa northern seaboard ng Northern Luzon, Eastern seaboards ng Luzon, Visayas at seaboards ng CARAGA.

Sa Miyerkules pa inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong ‘Jenny’.

 

Read more...