Ilang bayan sa Bicol region, nagsuspinde ng klase dahil sa malakas na ulan

Suspendido ang mga klase sa probinsya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at ilang bayan sa Sorsogon ngayong araw ng Miyerkules, January 17, 2018.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo, sinuspinde ang mga sumusunod na lugar sa Bicol:

·         Albay – all levels sa pampubliko at pribadong paaralan

·         Camarines Sur – all levels sa pampubliko at pribadong paaralan

·         Pilar, Sorsogon – all levels sa pampubliko at pribadong paaralan

·         Castilla, pre-school hanggang secondary level

·         Camarines Norte – pre-school hanggang senior high school

Ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, ito ay bunsod ng inilabas na orange warning o heavy rainfall warning ng PAGASA sa mga naturang lugar.

Paliwanag ng weather bureau, ang nararanasang matinding pag-ulan ay dahil sa tail end ng cold front.

Inaasahan anila ang pagbaha sa mababang lugar at landslides sa mga naturang probinsya.

Samantala, nagsimula ang walang tigil na buhos ng ulan sa Bicol region kahapon, araw ng Martes.

Read more...