Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawani ng media na gamitin ang kanilang konsensya sa paghahatid ng balita.
Ito ang panawagan ng Pangulo matapos ang kanyang sunod-sunod na banat sa Philippine Daily Inquirer at Rappler.
Ayon sa Pangulo, dapat munang magsagawa ng malalim na ‘research’ ang mga mamamahayag bago magsulat ng kung anu-anong mga akusasyon.
Partikular na ipinunto ng Pangulo ang ulat na nakialam umano si Special Assistant to the President Sec. Christopher ‘Bong’ Go sa bidding ng Department of National Defense para sa computer system ng mga barko ng Philippine Navy.
Ayon sa Pangulo, dapat isipin ng media na may mga pamilya at kaibigan ang opisyal ng gubyerno na nasasaktan, lalo na kapag walang katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanila.