2 hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Pasay

By Cyrille Cupino January 17, 2018 - 07:56 AM

Dalawang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng C-5 Extension na sakop ng Pasay City.

Nakapiring ang mga mata, nakatali ang mga kamay, at nakabalot ng packaging tape ang mga bibig ng isang lalaki at isang babaeng biktima.

Ayon sa mga tanod ng Barangay 201, nakarinig sila ng pitong magkakasunod-sunod na putok ng baril bago nila natagpuan ang mga bangkay.

Sinasabing isang motorcycle rider ang tumigil sa gilid ng kalsada upang magpahinga at nakadiskubre sa mga bangkay na una niyang inakalang kumpol-kumpol lamang ng basura.

Nakuha sa crime scene ang 9 na basyo ng bala mula sa caliber .45 at dalawa mula sa 9mm na baril.

Inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

 

TAGS: C5 Extension, summary execution, C5 Extension, summary execution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.