Bubuksan ngayong Enero ang Overseas Filipino Bank (OFB) upang mapadali ang pagkuha nila ng loan at maging ‘hassle-free’ ang pagpapadala ng ‘remittances’.
Sa pamamagitan ng Executive Order no. 44 ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinayagan ang Land Bank of the Philippines na bilhin at gawing OFB ang Philippine Postal Savings Bank.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang bangkong ito ay makatutulong upang tugunan ang pangangailangang pinansyal ng mga OFW.
Malaki anya ang naitutulong ng sektor na ito upang mapalago ang ekonomiya ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES