Bangko para sa mga OFW, bubuksan ngayong Enero
May good news ang gobyerno para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong buwan.
Bubuksan ngayong Enero ang Overseas Filipino Bank (OFB) upang mapadali ang pagkuha nila ng loan at maging ‘hassle-free’ ang pagpapadala ng ‘remittances’.
Sa pamamagitan ng Executive Order no. 44 ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinayagan ang Land Bank of the Philippines na bilhin at gawing OFB ang Philippine Postal Savings Bank.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang bangkong ito ay makatutulong upang tugunan ang pangangailangang pinansyal ng mga OFW.
Malaki anya ang naitutulong ng sektor na ito upang mapalago ang ekonomiya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.