3 milyong senior citizens, makatatanggap ng subsidiya mula sa TRAIN Law
Tinatayang tatlong milyong senior citizens ang makatatanggap ng karagdagang P200 piso bilang subsidiya ng gobyerno bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Ang naturang karagdagang cash grant ay isa sa mga probisyon ng naturang batas upang mapawi ang epekto ng posibleng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa ipapataw na buwis sa ilang mga produkto.
Ayon kay Social Welfare Development Officer in Charge Emmanuel Leyco, tataas pa ang karadagang subsidiya sa P300 kada buwan sa 2019.
Nilinaw naman ng DSWD na tanging ang mga kwalipikadong senior citizens lamang ang makatatanggap ng train subsidy at ng P500 piso na buwanang pensyon.
Ang mga kwalipikadong senior citizens ay bahagi ng 10 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.