2 lalaki arestado sa gitna ng pot session sa Batasan Hills, QC

By Justinne Punsalang January 17, 2018 - 06:37 AM

Nagsasagawa ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Freedom Park sa Barangay Batasan Hills nang maaresto ang dalawang lalaki sa gitna ng pot session.

Kinilala ang mga suspek na sina Sonnylyn Rueda, 26 na taong gulang na residente sa lugar, at Nolly Boy Matira, 30 taong gulang na tubo pa ng Oriental Mindoro.

Ayon sa mga otoridad, pangunahin nilang target sa operasyon si Rueda dahil mayroon itong pending na warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang naturang warrant ay inisyu ni Judge Marilous Runez-Tamang ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98.

Nang salakayin ng mga otoridad ang bahay ni Rueda ay naaktuhan nila ito at si Matira sa gitna ng pot session.

Agad na inaresto ang dalawa at narekober ng mga otoridad ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nakapiit sina Matira at Rueda sa himpilan ng QCPD Station 10.

TAGS: 2 arrested in Quezon City during pot session, QCPD Station 6' SACLEO, 2 arrested in Quezon City during pot session, QCPD Station 6' SACLEO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.