‘Trough of the Low Pressure Area’, nakakaapekto sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao
Inuulan ang Visayas at ilang bahagi ng Mindanao bunsod ng ‘Trough of the Low Pressure Area’.
Ayon sa PAGASA, wala namang posibilidad na maging bagyo ang LPA na nasa labas ng bansa ngayon ngunit nakakaapekto ito sa mga nabanggit na lugar.
Maulap na papawirin na may pag-ulan at pagkidlat na posibleng magdulot ng baha at pagguho ng lupa ang asahan sa mga nabanggit na rehiyon.
Samantala, ang sanhi naman ng magdamag na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region ay ang ‘Tail-end of a Cold Front’.
Maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at pagkidlat rin ang mararanasan at posibleng pagbaha at pagguho ng lupa ang ibinababala ng weather bureau samga nabanggit na lugar.
Sa hilagang bahagi naman ng bansa partikular sa Cagayan Valley Region, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region, umiiral ang northeast monsoon o hanging amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.