1,500 Rohingya, ibabalik ng Bangladesh sa Myanmar kada linggo
Napagkasunduan na ng Bangladesh at Myanmar ang timeframe para sa ‘repatriation’ o pagpapauwi sa libu-libong Rohingya na lumikas sa Myanmar.
Matatandaang lumikas ang 740,000 Rohingya patungong Bangladesh dahil sa military crackdown at kaguluhan sa Rakhine state mula 2016.
Ayon sa Bangladesh, pumayag na ang Myanmar na tumanggap ng 1,500 na Rohingya kada linggo.
Nais ng Bangladesh na maibalik ang lahat ng Rohingya sa kanilang bansa sa loob ng dalawang taon.
Iminumungkahi sana ng Bangladesh na 15,000 Rohingya ang ibalik kada linggo ngunit nagsabi ang pamahalaan ng Myanmar na 300 lamang ang tatangapin nila kada araw.
Layon din ng bansa na matagumpay na mapabalik ang lahat ng mga pamilyang Rohingya na magkakasama maging ang mga naulila at mga batang ipinanganak bunsod ng rape.
Gayunpaman, nababahala ang mga Rohingya sa nakatakdang pagbabalik sa kanila sa Myanmar.
Ayon sa ilang Rohingya, dapat unang-unang iprayoridad ang paggawad sa kanila ng Rohingya citizenship; ikalawa ay ang pagbabalik sa kanilang mga lupa; at ikatlo ay ang pagsigurong mabuti sa kanilang seguridad.
Sakali anilang hindi magawa ang mga ito ay hindi maganda ang planong repatriation para sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.