Crime Rate sa NCR, bumaba ng 18 percent – Roque
Ipinagmalaki ng Malacañang ang pagbaba ng bilang ng krimen sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bumaba ng 18 percent ang naitalang kaso ng krimen sa rehiyon nitong 2017 kumpara noong 2016.
Batay anya sa datos ng National Capital Region Police Office o NCRPO, kalahati ang nabawas sa mga kaso ng carnapping na sinundan ng motorcycle theft, homicide at murder.
Nangunguna sa datos ang mga kaso ng Physical Injuries kung saan naitala ang 4,462 cases na mas mababa rin sa 4,830 na kaso noong 2016.
Ayon kay Roque, ang naging pagbaba sa bilang ng kriminalidad ay bunga ng pagsisikap ng gobyerno na tutukan hindi lamang ang iligal na droga kundi maging ang lahat ng uri ng krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.