SALN ng mga mahistrado, isinapubliko

June 11, 2015 - 09:22 AM

summary justices saln
Kuha ni RIcky Brozas

Sa kauna-unahang pagkakaton, inilabas ng Korte Suprema ang summary ng 2014 Statement of Assets and Liabilities (SALN) ng 15 mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Si Associate Justice Francis Jardeleza ang lumabas na pinakamayaman sa lahat ng mahistrado na may networth na Php 244,413,320.16 million pesos.

Pangalawang pinakamayaman si Associate Justice Mariano del Castillo na may networth na Php 130,906,517.36 million pesos

Pangatlo si Sr. Associate Justice Antonio Carpio na may networth na mahigit P83.6 million pesos na mas mababa ng higit P630,000 ikumpara sa kanyang 2013 SALN.

Lumabas namang pinakamahirap na mahistrado ng SC si Justice Marvic Mario Victor Leonen na may networth na higit P2,098,000 pesos, na bahagyang tumaas ng 281 thousand mula sa idineklara nito sa kanyang  2013 SALN.

Lumabas naman sa inilabas na summary SALN ng mga mahistrado para sa 2014 na si Justice  Castillo ang may pinakamalaking itinaas na networth sa halagang higit walong milyong piso kung ihahambing sa 2013 SALN nito.

Si Justice Bienvenido Reyes ay bumaba ng higit 1.5 million pesos ang networth sa halagang 76.7 million pesos para sa 2014.

Samantala, si Chief Justice Maria Lourdes Sereno naman ay yumaman mula sa 2013 SALN networth nito ng higit sa kalahating milyong piso kung saan may net worth ito na P19,584,104.34 / Ricky Brozas

 

TAGS: Radyo Inquirer, SALN, SC, Radyo Inquirer, SALN, SC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.