Mga elitista, ginagamit ang media upang protektahan ang sariling interes-Duterte

By Jay Dones January 17, 2018 - 02:27 AM

 

Ginagamit lamang ng mga mayayamang may-ari ng mga media entities ang kanilang impluwensya upang protektahan ang kanilang sariling interes.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang tugon sa mga batikos na tinatanggap ng kanyang administrasyon sa gitna ng alegasyong siya ang nasa likod ng pagbawi sa certificate of incorporation ng Rappler online news site.

Giit ng pangulo, inaabuso lamang ng mga mayayamang at elitista ang kanilang kapangyarihan upang ipilit ang kanilang sariling agenda.

Kasabay nito, nagbabala ang pangulo sa ilang mga mayayamang may-ari ng mga media outlets na sasampahan ito ng kasong plunder.

Giit pa ng pangulo, hindi rin dapat pumalag ang media kung kanya itong binabatikos dahil ang mga ito rin ay bumabatikos sa kanya.

Matatandaang pumalag si Pangulong Duterte sa alegasyong siya ang nag-utos na ipasara ang Rappler dahil sa malimit nitong pagbanat sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.