Bilang ng Pinoy na nagsasabing sila ay mahirap bumaba-SWS
Nasa sampung milyong Pinoy ang nagsasabing sila ay nananatiling mahirap.
Ito ang nilalaman ng pinakahuling resulta ng nationwide survey na isinagawa ng Social Weather Station sa huling quarter ng taong 2017.
Ayon sa survey, mas mababa ito ng 900,000 Pinoy kung ikukumpara sa September 2017 survey results.
Ayon sa SWS, bumaba ng sampung puntos ang bilang ng mga self-rated poor na pamilya sa Luzon.
Bahagya ring bumaba ang datos sa Metro Manila at Visayas ayon sa SWS survey.
Samantala, nananatili namang nasa 7.4 million na pamilya ang nagsasabing sila ay nakararanas ng food poverty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.