Pag-convene ng Kongreso bilang constituent assembly, lusot na sa Kamara
Sinang-ayunan na ng House of Representatives ang resolusyon na layong i-convene ang Kongreso bilang isang constituent assembly upang ganap nang maamyendahan ang 1987 Constitution.
Sa pamamagitan ng ‘viva voce’ vote, pinaboran ng nasa 186 mambabatas ang pagkakaroon ng constituent assembly (con-ass) na napapaloob sa Concurrent Resolution No. 9.
Naganap ang botohan makaraang isulong ni Deputy Majority Leader Juan Pablo Bondoc ang pagpapahinto sa interpelasyon at debate sa isyu.
Ito ay sa kabila ng mariing pagkontra ng mga miyembro ng Makabayan bloc.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, malinaw na may martial law na nagaganap sa Kongreso.
Binatikos rin ni Casilao ang mabilisang hakbang na ginagawa ng supermajority upang isulong ang Charter Change.
Nangangamba si Casilao na masagasaan ang iba pang procedural requirements ng Kongreso upang mailusot agad ang pagbabago sa sa Saligang Batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.