Refund ng Sanofi sa Dengvaxia, OK sa Palasyo

By Chona Yu January 17, 2018 - 12:00 AM

 

Malugod na tinanggap ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-refund ng Sanofi Pasteur sa mga hindi nagamit at pa-expire na Dengvaxia vaccine na aabot sa 1.4 billion pesos.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, suportado ng palasyo ang panawagan ng Department of Health na full refund ng Sanofi na aabot sa 3.5 billion pesos.

Agad namang nilinaw ni Roque na bagamat welcome sa palasyo ang refund hindi ito makaapekto sa ginagawang imbestigasyon ng pamahalaan laban sa Sanofi.

Sinabi pa ni Roque na kinakailangan pa ring mabatid kung may pananagutang kriminal ang Sanofi dahil sa Dengvaxia vaccine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.