Duterte: Wala akong ipasasarang media company

By Den Macaranas January 16, 2018 - 07:04 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipasasara ang mga media entities na bumabatikos sa kanyang administrayon tulad ng Rappler.

Pero tiniyak ng pangulo na hahabulin niya batay sa mga umiiral na batas ang paglabag sa Saligang Batas ng Rappler at iba pang mga media firms.

“You’re using media to attack the government pero ang sweldo ninyo ay galing sa foreign funding”, pahayag ng pangulo.

Ipinaliwanag ng pangulo na wala siyang kinalaman sa desisyon ng Securities and Exchange Commission sa kaso ng Rappler lalo’t karamihan sa mga nagdesisyon sa isyu ay pawang mga appointees ng nakaraang administrasyon.

Kanya ring sinabi na titiyakin na matitigil sa kanyang administrasyon ang pagsasamantala ng ilang mga oligarchs na nagtatago sa likod ng ilang mga media entities.

Sinabi rin ni Duterte na magsasampa siya ng kasong plunder sa ilang personalidad na kasangkot sa paglustay ng pondo ng bayan.

Binatikos rin ng pangulo si dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares dahil sa pagtatakip nito sa ilang mga negosyanteng may atraso at hindi nagbabayad ng buwis.

“Kung kailangang murahin ko kayo gagawin ko dahil sobra na ang pagsasamantala ninyo”, dagdag pa ng pangulo.

TAGS: duterte, media, rappler, SEC, duterte, media, rappler, SEC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.