Naisumite na ng Department of Finance sa Kamara ang ikalawang package ng Comrehensive Tax Reform Program (CTRP).
Layunin nitong bawasan ang Corporate Income Tax (CIT) rates at modernisasyon ng fiscal incentives.
Ibinigay ng DOF ang CTRP-2 sa pagbabalik-sesyon ng Kamara noong Lunes.
Ayon sa kagawaran, target nitong ibaba ang CIT rate sa 25% mula sa 30%, at i-modernisa ang incentives para sa mga kompanya para gawin itong “performance-based, targeted, time-bound, at transparent.”
Ayon kay DOF Undersecretary Kendrick Chua, hangad din sa ikalawang package ng reporma sa buwis na tiyakin na magbubunga ang incentives ng mas maraming trabaho, palakasin ang ekonomiya at limitahan ang tax perks.
Kabilang sa nakapaloob sa CTRP-2 ay ang pagpapatigil sa tax holidays at ilang perks na walang limitasyon sa oras.
Tinatayang P300 bilyon ang nawawala sa gobyerno kada taon dahil dito.
Una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang package ng reporma sa buwis noong nakaraang buwan.
Binawasan nito ang personal income tax at pagpapalawig sa value-added tax (VAT) base.