Comelec gagamit ng mga lumang poll materials sa Brgy. at SK election
Gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga opisyal na balota na naimprenta para sa ipinagbaliban na eleksyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan.
Batay sa resolusyon ng Comelec, gagamitin nila ang mga ito na dapat sana’y gagamitin para sa halalan noong October 2017, gayun din ang iba pang election forms para matipid ng pondo ng publiko.
Ayon sa Comelec, nasa halos 59.6 milyong official ballots ang naimprenta mula August 9 hanggang September 30.
Samantala, mag-iimprenta pa ng mga karagdagang balota, accountable at non-accountable forms para sa mga botanteng nagparehistro noong November 6 hanggang November 30, 2017.
Gayunman, kinakailangan munang beripikahin, sertipikahan at selyuhan ng local election registration votes ang listahan ng mga botante sa February 7.
Para maiwasan ang pagkalito, October 23, 2017 din ang petsa ng halalan na isasaad sa mga bagong balota.
Nilinaw naman ng Comelec na May 14, 2018 ang petsang ilalagay sa mga balota, accountable at non-accountable forms na iiimprenta para sa Mindanao.
Wala pang official ballots at iba pang form na naimprenta para sa Mindanao matapos ipagpaliban ang eleksyon sa rehiyon bunsod ng pagsasailalim sa Martial Law kaugnay ng Marawi Siege.
Nakatakda ang Barangay at SK elections sa May 14, 2018 matapos itong ipagpaliban ng administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.