Imbestigasyon ng Senado sa magarbong Christmas party ng PCSO ipinagpaliban

Inquirer file photo

Ipinagpaliban ng Senate Committee on Games and Amusement ang pagdinig kaugnay sa umanoy magarbong Christmas party na isinagawa ng Philippine Charity Sweepstarkes Office noong nakalipas na buwan.

Ayon kay Committee Chairman Sen. Ping Lacson, nakatakda sana ang hearing nito bukas na isasabay sa pagtalakay ng pag-amyenda o pagrepaso sa charter ng PCSO pero makakasabay nito ang gagawing pagtalakay ng Senate Committee on Constitutional Amendments.

Si Lacson kasi ang may akda ng panukala na humihiling na magbuo ang Senado bilang hiwalay na Constituent Assembly upang masilip at matalakay ang mga dapat na pag-amyenda sa Saligang Batas

Sa kanyang ihinaing Senate Resolution No. 580, hiniling nito na buuin ang Senado bilang isang Constituent Assembly na hiwalay sa Kamara at magkaroon ng hiwalay na botohan kaugnay sa pag-amyenda sa 1987 Philippine Constitution.

Read more...